MORE POWER, NAGBIGAY LIWANAG SA ILOILO CITY

SA matagal na panahon ay ­naging pangkaraniwang pangyayari na ang brownout sa Lungsod ng Iloilo.

Syempre, ayaw ng mga ­Ilonggo ang mabuhay sa panahon ng kadiliman, o ‘dark ages’.

Kaya, kumbinsido sila na ‘napapanahon’ at ‘sagot’ laban sa walang tigil na brownout ang pagpasok ng More Electric and Power Corporation (More Power) sa Lungsod ng Iloilo ilang buwan na ang nakalilipas.

More Power ang nagbigay ng liwanag sa Lungsod ng Iloilo mula nang tuldukan ng Kongreso ang prangkisa ng Panay Electric Company (PECO).

Sa ginawang special report ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI) hinggil sa ­kondisyon ng power supply sa ­Iloilo City na makikita sa http://www.papi.com.ph/wp/all-the-fuss-about-peco-and-whats-more-with-more-­power/), inisa-isa nito ang mga dahilan ng pagbagsak ng ­kontrobersiyal na 96 taong pamahahala ng PECO sa elektrisidad sa Iloilo.

Kasama rito sa ulat ng PAPI ang mga rason sa pagtanggi ng mga kustomer at mismong mga opisyal ng pamahalaang lokal na siyang nag-inisyatiba na hilingin sa Kongreso at Energy Regulatory Commission (ERC) na palitan ang kanilang power supplier.

“PECO, for much of its last years as the city’s electric power distribution utility, had become ­synonymous to the phrase “technical incompetence” following years of unexplained and prolonged power interruptions that for a while had ­actually threatened the economic viability of Iloilo City turning off investors instead of attracting them. PECO’s service, at least in its last few years, was nothing but a complete mess,” banggit sa report.

Ang operational lapses ng PECO na tinukoy ng ERC, kasama na ang hindi maayos na protective devices, hindi ligtas na mga poste, overheating na sub-stations, kawalan ng upgrading sa kanilang lumang distribution system sa ­maraming taon at hinuhulaan lamang na meter reading kaya nagkaroon ng P631 milyong refund sa mga konsyumer ang siyang nagbigay daan para bawiin sa PECO ang prangkisa, operational at business permit nito.

Bagamat wala na sa Iloilo City ang PECO, hindi pa rin natatapos ang kalbaryo ng mga Ilonggo sa kanilang power system.

Nakita ng PAPI na ang dahilan nito ay ang patuloy na panggugulo ng PECO sa operasyon ng More Power.

Inakusahan ng PECO ang More Power na mas dumalas ang brownout sa Iloilo City at tumaas pa ang sinisingil nitong “system loss”.

Ayon sa PAPI, walang basehan ang akusasyon ng PECO laban sa More Power dahil lumilitaw na ang buong sistema mismo na ginagamit noon ng PECO ang substandard.

Sinisimulan nang ayusin ng More Power ang nasabing suliranin, dahilan uang magkaroon ng “scheduled power interruption.”

Tinukoy ng PAPI ang suporta ng buong komunidad sa More Power na hindi umano nakita noon sa PECO.

“Various sectors of Iloilo City community express its full ­backing to More Power, with all of them ­saying the new power distributor is on the right track,” isinaad ng report.

Samantala, binanggit ng ilang business at church leaders sa Iloilo City na inaasahan na nila ang maliwanag na pamumuhay sa Iloilo City sa pag-alis ng PECO.

Pinanghahawakan nila ang pangako ng More Power na mas maayos na serbisyo.

“From the standpoint of being a consumer myself, I ask everyone to bear with the situation and have a little more patience. MORE cannot do miracles, like instantly ­solving the woes we had experienced for ­decades under PECO. It’s only fair that we allow More to prove its worth,” pahayag ni Msgr. Meliton Oso, pinuno ng Jaro Archdiocese Social Action Center.

Hindi na rin umano papayag ang grupong Institute of Integrated Electrical Engineers of the ­Philippines (IIEE) na mabalik ang PECO sa Iloilo City dahil mas may kakayahan umano ang bagong power supplier na tugunan ang pangangailangan ng lungsod.

Sinabi ng PAPI na ang underfunded na distribution infrastructure ng PECO sa loob ng maraming taon ang syang punu’t-dulo ng ­naging problema sa kuryente sa ­Iloilo City, kaya naman kung hindi kakayanin ng PECO ang demand ng panahon ay mainam na lisanin na ang lungsod at ipaubaya ang power supply sa More Power na nakita ng Kongreso na may kakayahan na mag roll out ng development plan sa buong power system ng Iloilo City.

Hindi umano simpleng usapin ang isyu sa pagitan ng More Power at PECO dahil kuryente ng buong lungsod ang pinag-uusapan dito na siyang lifeline at mahalagang ­instrumento para sa socio economic development ng lungsod.

163

Related posts

Leave a Comment