CAVITE – Hinoldap ng dalawang motorcycle rider ang isang motel at ginahasa umano ng mga ito ang isang empleyado ng nasabing establisimyento sa Trece Martires City noong Martes ng madaling araw.
Kinilala ang biktimang si alyas “Liz”, 20, cashier sa Pampangenous Inn sa Purok 3, Brgy. De Ocampo, Trece Martires City.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang dalawang suspek na nakasakay sa isang puting Honda beat na motorsiklo at nakasuot ng puting t-shirt, pulang helmet at naka-jacket.
Ayon sa ulat, pumasok ang mga suspek sa Pampangenuos Inn sa Purok 3, Brgy. De Ocampo, Trece Martires City bandang ala-1:40 ng madaling araw.
Nagpanggap ang mga ito bilang mga customer ngunit nagdeklara ng holdap at tinangay ang mahalagang mga gamit at cash na nagkakahalaga ng P2,950.
Bago tumakas ang mga suspek, dinala umano ng mga ito ang cashier sa kusina kung saan ay ginahasa ito saka tumakas.
Nagsasagawa naman ng backtracking ang pulisya sa CCTV para sa posibleng pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga suspek.
(SIGFRED ADSUARA)
124
