MOTORCADE RALLY NG FIRE AT RESCUE VOLUNTEERS

NAGSAGAWA ng isang makasaysayang kick off motorcade rally ang isang grupo ng party-list na kumakatawan sa mga fire at rescue volunteer sa buong Pilipinas, Martes ng umaga na nagsimula sa harap ng Bureau of Immigration sa Intramuros, Maynila sa pag-uumpisa ng campaign period para sa darating na halalan sa Mayo 2025.

Mahigit 200 sasakyan ng fire and rescue volunteers ang nakilahok kabilang ang nasa 3,000 supporters mula sa iba’t ibang organisasyon na nagpakita ng suporta sa Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) No. 134 sa balota.

Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list ay pinangungunahan ni first nominee Jose Antonio “Ka Pep” Goitia kasama ang iba pang nominado na sina Leninsky Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Alfonso Goitia, Carl Gene Moreno Plantado at Howie Quimzon Manga.

Ayon kay Ka Pep Goitia, maghahain sila ng resolusyon para sa kapakanan ng fire volunteers and rescuers na katuwang sa mabilis na pagtugon sa mga sunog, sakuna at kalamidad sa bawat komunidad sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.

Magsusulong din sila ng batas para magkaroon ng benepisyo ang lahat ng firefighters, fire and rescue volunteers at iba pang volunteers. Layunin din ng kanilang grupo ang pagpapaulad ng kakayahan ng bawat Pilipino at magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagtugon at paghahanda sa lahat ng kalamidad na darating sa ating bansa.

8

Related posts

Leave a Comment