MOTORCYCLE RIDER PATAY SA PAJERO

CAVITE – Nasawi ang isang motorcycle rider habang kritikal ang misis nitong angkas makaraang mabangga ng isang Mitsubishi Pajero sa center island sa Trece Martires City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Dead on the spot ang driver ng isang Yamaha Mio Gear na may plakang 9980 TR, na si Cesar Luna, 43, habang nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang asawa nito, kapwa residente ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite.

Samantala, hawak na ng pulisya ang driver ng Mitsubishi Pajero na may plakang ZHR 531, na si alyas “Rowell”, 41, ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:48 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang binabagtas ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng Governor’s Drive sa Brgy. Agustin, Trece Martires City.

Ang motorsiklo ay patungo sa direksiyon ng Brgy. Cabuco habang ang Pajero ay sa direksiyon ng Brgy. Manggahan sa Gen. Trias City.

Ngunit pagsapit sa nasabing lugar nang bumangga ang Pajero sa center island ng kalsada at nabangga rin nito ang motorsiklo ng mga biktima na nagresulta sa agarang pagkamatay ng driver at malubhang pagkasugat ng asawa nito.

(SIGFRED ADSUARA)

29

Related posts

Leave a Comment