P237K NATANGAY NG TANDEM SA VAPE SHOP

CAVITE – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang riding in tandem na tumangay ng mahigit P237,000 halaga ng cash at merchandise mula sa niloobang vape shop sa Brgy. Maharlika East, Tagaytay City noong Lunes ng umaga.

Inilarawan ang mga suspek na magkaangkas sa isang itim na motorsiklo at tumakas patungo sa east direction ng Tagaytay City.

Ayon sa salaysay ni Kathelyn Angcaya, 35, sales associate ng One Vape Tagaytay sa Brgy. Maharlika East, Tagaytay City, bandang alas-6:20 ng umaga nang mapansin nito na nagkalat ang mga kagamitan sa loob ng tindahan at nawawala ang ilang paninda nang buksan niya ito.

Nang rebyuhin ang CCTV, nakita ang pagputol ng mga suspek sa lock ng roll-up door gamit ang isang vault cutter at nang makapasok ay tinangay ang P2336,970.00 halaga ng mga paninda at P800.00 cash o kabuuang P237,770.00.

Nang makuha ang pakay ay tumakas ang mga suspek sakay ng isang itim na motorsiklo.

(SIGFRED ADSUARA)

31

Related posts

Leave a Comment