2 EPD COPS INIREKLAMO NG PANGHAHALAY NG KABARO SA MARIKINA

POSIBLENG maharap sa kasong administratibo at kriminal ang dalawang senior non-commissioned officer dahil sa sekswal na pang-aabuso.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director, PBGen. Aden Lagradante, nangyari ang insidente noong Agosto 17 ng gabi habang naka-duty ang mga pulis.

Batay sa imbestigasyon, pinatawag ng isang staff sergeant at isang patrolman ang 27-anyos na biktima na miyembro ng mobile force battalion habang sila’y nagpapatrolya.

Habang nasa loob sila ng mobile patrol ay dito umano ginawa ng dalawang suspek ang sekswal na pang-aabuso sa 27-anyos na biktima.

Kaagad naman dinisarmahan ang dalawang pulis at inilagay sa restrictive custody, habang ni-recall muna ang biktima sa kanyang assignment at inalalayan ng EPD ang mga gastusin nito tulad ng medikal.

(TOTO NABAJA)

50

Related posts

Leave a Comment