Motorsiklo tinumbok ng truck BEBOT PATAY, MISTER KRITIKAL

CAVITE – Patay ang isang ginang habang kritikal ang mister nito makaraang tumbukin ng isang truck ang likurang bahagi ng sinasakyan nilang motorsiklo sa bayan ng Naic sa lalawigang ito.

Isinugod sa San Lorenzo Hospital ang mag-asawang sina Edilberto Mata, 50, at Evelyn Mata, 50, kapwa residente ng Phase 3-A, Ciudad Nuevo Subd., Brgy. Timalan, Balsahan, Naic ngunit idineklarang dead on arrival ang ginang.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng Isuzu NHR truck na si Emmanuel Miranda, 46, ng #90 Majada St., Calamba, Laguna.

Ayon sa ulat niP/SSgt. Richard Atienza ng Naic Municipal Police Station, binabagtas ng mag-asawa ang A. Soriano Highway sa Brgy. Timalan, Balsahan, Naic sakay ng motorsiklo, patungo sa direksiyon ng Manila dakong alas-10:00 ng umaga, nang banggain sila ng truck na minamaneho ni Miranda naging dahilan upang tumilapon ang mga biktima sa kalsada. (SIGFRED ADSUARA)

175

Related posts

Leave a Comment