MPBL Lakan South Finals: DAVOC TATAPUSIN NG BASILAN SA GAME 2

ISANG short stab mula kay Hesed Gabo at naka-block naman si Jay Collado para iligtas ang Basilan Steel at itakbo ang 74-72 win kontra Davao Occidental Tigers, sa opener ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season South division finals sa Davao del Norte Sports Complex sa Tagum City.

Kinuha ng Tigers ang abante kasunod ng tres ni June Mocon, 45 seconds sa laro, pero mabilis na ibinalik ni Gabo ang Steel sa unahan, 73-72, nang magpakawala ng floater, natatangi pero pinakamahalagang basket niya sa laro.

Sa sumunod na play, sumugod si Tigers’ Billy Robles, pero blinangko siya ni Collado, pitong segundo na lang, para ipreserba ang panalo ng Steel.

Ang nasabing laro na itinakda ng Lunes ng gabi ay naantala at natapos ng madlaing araw ng Martes, matapos na ang league permit para magamit ang RMC Petro Gazz Arena ay bawiin sanhi ng COVID-19.

Inisplit ni Basilan chief gunner Allyn Bulanadi ang kanyang free throws sa huling limang segundo para sa final tally, kasunod ang mintis ni Mocon para sana sa panablang puntos kasabay ng pagtunog ng buzzer.

Si Bulanadi ay may 15 points, nine rebounds at five steals, kasunod ni Bobby Balucanag at Jerald Bautista na may tig-12 points.

May tsansa ang Steel na tapusin ang serye sa Game 2 ngayong gabi sa Lamitan City sports Complex.

Habang ang Tigers ay humugot ng 15 points, 10 rebounds at five assists mula kay Robles, 12 mula kina Mark Yee at Gerwin Gaco.

Sa north finals, tinalo ng defending champion San Juan-Go for Gold ang Makati-Super Crunch, 76-60, sa Game 1 sa Filoil Flying V Centre.

Angat pa ang Makati, 46-51, nang magrali ang San Juan para tapusin ang third quarter na abante pa ng lima, 56-51.

Pagdating ng fourth frame ay hindi na pinaporma ng Knights ang Super Crunch at tuluyang kinuha ang Game 1.

Nagsumite si Jhonard Clarito ng double-double 19 points 18 rebounds, habang si Datu Cup Finals MVP Mike Ayonayon ay may 13 markers, six boards, three dimes, one steal at block.

Tatangkain ng Knights na tapusin ang serye sa mismong homecourt ng Super Crunch sa Makati Coliseum ngayong araw.  (VTR)

138

Related posts

Leave a Comment