MPD NUMBER 1 MOST WANTED, ARESTADO

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District ang isang 31-anyos na helper, sa bisa ng arrest warrant dahil sa kasong murder, nang mamataan ito sa lungsod ng Caloocann noong Huwebes ng gabi.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek na si Danbert Reyes y Cordova, 21, binata, ng #2101 Lico St., Tondo, itinuturing na no. 1 most wanted sa Maynila.

Batay sa ulat ni MPD-Intelligence Section of District Mobile Force Batallion chief, P/Lt. Col. Julius Anoñuevo, bandang alas-10:30 ng gabi nang mamataan si Reyes sa Jacob Industrial Shop sa 7th Avenue, Caloocan City.

Armado ng arrest warrant na inisyu noong Setyembre 10, 2009 ni Hon. Carmelita Manahan, presiding judge ng Regional Trial Court Branch16, pinangunahan ni P/Lt. Bryan Salonga Rei, ng DMFB, ang pag-aresto sa nasabing suspek. (RENE CRISOSTOMO)

200

Related posts

Leave a Comment