NANGHOLDAP SA JEWELLER SA MAYNILA TIMBOG

ILANG araw pa lamang ang nakararaan, natimbog ang isa sa dalawang holdaper na nambiktima ng may-ari ng jewelry shop at tumangay ng halos P1.5 milyong halaga ng alahas at cash sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Manila.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga operatiba ng MPD-Theft & Robbery Section, sa pangunguna ni P/Capt. Jerry Campo, sa tulong ng isang “asset,” natimbog ang mismong nangholdap na kinilalang si Ken Marbella, 45, alyas “Kembot,” residente sa #924 Martinez St., Paso De Blas, Valenzuela City, bandang alas-11:00 ng gabi.

Samantala, patuloy naman ang pagtugis sa umano’ y kasabwat nito at tumayong back-up, na hindi muna pinangalanan.

Nauna rito, noong Miyerkoles, bandang alas-7:00 ng umaga, nang magbukas ng jewelry shop ang biktimang si Deodulo Cay, 73, malapit sa Pearl Hotel sa C.M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, tinutukan ito ng baril ng mga suspek at sapilitang kinuha ang kanyang bag na naglalaman ng mga alahas at cash.

Isang linggo lamang ang lumipas makaraang mangyari ang holdap, umaksyon ang pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa isa sa mga suspek sa bahay nito sa Valenzuela City. (RENE CRISOSTOMO)

200

Related posts

Leave a Comment