Mula sa 2 nag-aalburotong bulkan VOLCANIC SMOG UMABOT SA NORTHERN LUZON

UMABOT sa bahagi ng Northern Luzon ang volcanic ‘smog’ na nagmumula sa dalawang nag-aalburotong bulkan, ang Taal Volcano at ang submarine volcano na “Fukutoku-Okanoba” ng Japan.
Kabilang sa apektadong mga lugar sa Luzon ang Zambales, Olongapo, Bataan, Pampanga, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet, Baguio City,  Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro at Romblon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang volcanic smog ay binubuo ng mga pinong patak na nagtataglay ng volcanic gas tulad ng SO2 o sulfur dioxide na pawang mga acidic at maaring maging sanhi ng pagka-irita ng mata, lalamunan at ng respiratory tract.

Samantala, ang sulfur dioxide ay isang nakalalasong usok na maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao at hayop, pati na rin sa mga halaman.
Maaaring ma-expose ang isang indibidwal kung ito ay malalanghap o sa pamamagitan ng skin contact. (JG TUMBADO)

295

Related posts

Leave a Comment