Mungkahi ng Palasyo sa LGUs SENIORS PAYAGANG LUMABAS ONCE A WEEK

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Local Government Units (LGUs) ang pagpapasya o discretion kung pagbibigyan ang panawagan ng Senior Citizen’s party-list na ikonsidera ang mental at emotional health ng mga senior citizen.

Bukod pa sa bigyan ang mga ito ng exemption sa implementasyon ng age restriction ng mga hindi pinapayagang makalabas ng bahay.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry roque, hinahayaan na ng executive branch ang mga lgu na magdesisyon sa usaping ito lalo’t mayroon na aniyang nabuong guidelines ukol dito ang Inter-Agency Task Force (IATF).

Subalit, sinabi ni Sec. Roque na maari namang gayahin o i-adopt ng bawat LGUV sa bansa ang ipinatutupad ng ilang lokal na pamahalaan na pagbibigay pahintulot sa mga senior citizen Na makalabas ng isang araw sa loob ng isang linggo.

Kumbinsido si Sec. Roque na ang ganitong uri ng patakaran ay maaaring gawin ng bawat LGU para sa kapakanan at kalusugan ng lahat ng senior citizen sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

o0o

CEASEFIRE IS DEAD
– DUTERTE

SALUDO ang buong puwersa ng Armed Forces of the Philippines sa pasya ng kanilang commander-in-chief na si President Rodrigo Roa Duterte na hindi na magdeklara ng tigil-putukan sa hanay ng Communist Party of the Phillipines at armadong galamay nitong New People’s Army ngayong Christmas season.

Una nang inihayag ng pamunuan ng AFP na hindi sila magrerekomenda na magkaroon ng pansamantalang tigil-putukan ngayong holiday season.

Sa pahayag kahapon ni Marine Major General Edgard Arevalo; AFP at NTF ELCAC Peace, Law Enforcement, Development and Security (PLEDS) Cluster spokesman : “We are thankful to the Commander-in-Chief for heeding the AFP’s recommendation not to declare ceasefire this holiday season and beyond.”

“Not because we do not want peace, but because what we advocate is a genuine and lasting peace that we cannot achieve through a peace pact with the NPA that is notoriously insincere and unworthy of public trust,” ayon pa sa opisyal.

Sa kanyang public address, Lunes ng gabi, idiniin ni Pangulong Duterte na ‘patay’ na ang ceasefire hanggang sa natitira pa niyang termino.

Nauna na ring ipinanukala ng pangulo sa Armed Forces of the Philippines na hindi siya magdedeklara ng Christmas ceasefire sa rebeldeng komunista.

“There will be no ceasefire ever again under my term ko pagka-presidente,” ayon sa pangulo.

“For all intents and purposes, ‘yong ceasefire is dead. Wala na ‘yon.” dagdag na pahayag nito.

Ibinasura na rin ni Pangulong Duterte ang posibilidad ng pagbuhay sa peacetalks sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front, negotiating arm ng Communist Party of the Philippines.

“I walked away from the talks because we cannot understand each other. Maybe we were talking in different dialects but I just simply cannot understand the way it was being carried by the other side,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

“I would say the ceasefire is dead and the peace talks between the NDF, NPA, pati ‘yong isali na rin natin legal front nila. Pati kayong lahat, I am identifying you because I have seen the records.

You are really communists. You’re out to share power so I have to destroy you,” aniya pa rin.

Aniya, darating ang panahon bago matapos ang kanyang termino ay papangalanan niya ang lahat ng sangkot sa NDF.

Kamakailan ay inakusahan ni Pangulong Duterte ang militanteng organisasyon na kasama sa grand conspiracy na pinangungunahan ng CPP para patalsikin ang pamahalaan.

Nilinaw ni Pangulong Duterte na ang mga grupong gaya ng Makabayan bloc sa mababang kapulungan ng Kongreso, Bayan at Gabriela ay hindi nire- red-tag ng gobyerno. (JESSE KABEL/CHRISTIAN DALE)

150

Related posts

Leave a Comment