ISUSULONG ni Pasig City Mayoralty candidate Sara Discaya ang pagtatayo ng mga bagong ospital, housing projects, kalsada at mga bagong school buildings sa lungsod.
Ayon kay Discaya na isang experienced economist at successful businesswoman, dapat maisakatuparan ang nasabing mga programa nang walang delay. Sakaling mahalal bilang alkalde, nangako si Discaya na gagawin ang lahat para magawang progressive, “smart city” ang Pasig sa pamamagitan ng pagtutok sa infrastructure, housing, employment, health and education, at resource sharing.
Hindi rin aniya dapat nagkakaroon ng delay sa mga proyekto kung naisusumite ng tama at kumpleto ang mga kinakailangang dokumento.
Sinabi ni Discaya na kinakailangang magkaroon ng bagong health centers sa lungsod para matiyak na bawat komunidad ay mayroong isang health facility at isang health worker.
“We want to develop Pasig faster and continue the good things that have been done by the current government, to fix what is not good enough and to leave the bad ones,” dagdag pa ni Discaya.
Ayon pa kay Discaya, na chief financial officer ng St. Gerrard Construction and Development Corporation, naobserbahan din niya ang mga water-related problems sa Pasig City gaya ng pagbaha at water shortage. Pagtitiyak niya, sa ilalim ng kanyang liderato, magiging pantay ang wealth at resources distribution para matiyak na walang maiiwang Pasigueno.
“Under my watch, this will not happen because I want equal distribution of wealth and resources to all Pasiguenos,” sabi pa ni Discaya.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)