Nabuking na sumasalisi kay misis; ‘AHAS’ NA BAYAW PINATAY

ISANG tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang 30-anyos na vendor makaraang patraydor na binaunan ng bala sa likod sa Binondo, Manila nitong Biyernes ng hapon.

Namatay habang inoobserbahan sa Philippine General Hopital ang biktimang si Haslem Casim y Makasil, may asawa, ng #58 Constitutional Road, Batasan Hills, Quezon City.

Samantala, arestado naman at nahaharap sa kasong murder ang suspek na kinilalang si Samanudin Cawasa y Mangontra, alyas “Sam”, 40 anyos, may asawa, negosyante, ng nasabing lugar.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Bernard Cayabyab kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 2:30 ng hapon nitong Biyernes nang mangyari ang insidente sa Juan Luna St. malapit sa panulukan ng Plaza Ruiz sakop ng Brgy. 268 sa Divisoria, Binondo.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, magbayaw umano ang dalawa at ang puno’t dulo ng kanilang away ay umano’y may relasyon ang asawa ng suspek sa biktima.

Isinugod si Casim sa Philippine General Hospital ngunit dakong 5:30 ng hapon ay idineklarang patay na ni Dr. Quenie Fernandez.

Nabatid sa pagsisiyasat ng pulisya, matagal na umanong alam ng suspek ang relasyon ng kanyang misis at ng biktima. (RENE CRISOSTOMO)

 

192

Related posts

Leave a Comment