NAG-APPLY NA KASAMBAHAY SA LAGUNA, NAGLAHO

LAGUNA – Naglahong parang bula ang isang dalaga mula sa Taytay, Rizal nang mag-apply bilang kasambahay sa Sta. Rosa City, Laguna noong Sabado.

Batay sa report ng Sta. Rosa City Police, wala pa ring impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng 26-anyos na si Juanita Mora Gardose, residente ng Barangay Dolores, Taytay.

Ayon sa ina na si Vilma Mora Gardose, isang guro, makikipagkita umano ang kanyang anak sa isang Marvelyn Tumambac na nakilala nito sa social media at nag-alok ng trabaho sa dalaga bilang kasambahay.

Bandang alas-8:20 noong Sabado ng umaga, tumawag ang biktima sa kanyang nanay at sinabing nasa Balibago Complex na siya kung saan sila magkikita ni Tumambac.

Ngunit nang tawagan ito uli ng kanyang nanay dakong alas-11:00 ng umaga, hindi na makontak ang cellphone number nito at hindi na nakabalik ng kanilang bahay. (NILOU DEL CARMEN)

85

Related posts

Leave a Comment