Nagalit sa mga kasinungalingan at fake news ng oposisyon DUTERTE: LENI AT LP SHUT-UP!

NIRESBAKAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko kabilang si Vice President Leni Robredo at ang partido Liberal dahil umano sa walang patumanggang pagbatikos at paglalabas ng maling balita ng mga ito sa pagtugon ng pamahalaan sa kampanya laban sa coronavirus disease or COVID-19.

Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay tugon na rin sa sinabi ni Robredo na ang gobyerno ay hindi handa para harapin ang COVID-19 nang magsimula na ang pandemya nito.

“‘Wag kayong maniwala diyan. Sus, itong mga dilawan lalo na, I hate to mention her name, but itong si Leni yung ano-ano ang pinagsasabi,” pahayag ng pangulo.

“Alam mo Leni kung gusto mo, if you really want to do away with the COVID, i-spray-han natin itong Pilipinas o Manila ng pesticide para patay lahat,” dagdag pa niya.

Kilalang masugid na kritiko ni Duterte ang mga miyembro ng Liberal Party kabilang sina Senador Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros.

“You do it, may masabi sila. You do not do it, may masabi si Leni. What do you want us to do? Ang problema kasi nitong… ‘yung magsabi na we are not doing enough. What can we do with the germ that’s flying around?” giit ni Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

Kamakailan ay sinopla na ng Malakanyang at nagpahayag na walang magandang sasabihin si VP Leni tungkol sa administrasyong Duterte sa gitna ng patuloy nitong pagpuna sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Sa isang panayam kasi, sinabi ng bise presidente na walang konkretong plano ang national government para labanan ang virus at wala ring magbabago kung tatanggalin si Health Secretary Francisco Duque III sa pwesto dahil ang problema ay nasa sistema.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, may karapatan naman ang pangalawang pangulo na magsabi ng opinyon at bilang lider ng oposisyon, tanggap na ng Malacañang na wala itong magandang sasabihin sa pamahalaan.

Giit ng kalihim, pwedeng sabihin ng bise presidente lahat ng negatibong bagay sa administrasyon pero suportado pa rin ng mga Pilipino si Pangulong Duterte.

Nauna nang kinontra ng Malakanyang ang obserbasyon ni Robredo na walang malinaw na direksyon ang Duterte administration kung paano tugunan ang COVID-19 crisis.

Sinabi ni Sec. Roque na umaksyon ang gobyerno kaya mababa lamang ang mortality rate ng COVID-19 sa bansa at nag-improve ang kapasidad ng mga ospital na gamutin ang mga severe at critical cases. (CHRISTIAN DALE)

161

Related posts

Leave a Comment