Nagdaos ng binyagan RESORT SA MALABON IKINANDADO

IPINASARA ang isang pribadong resort sa lungsod ng Malabon kung saan idinaos ang isang binyagan na pagsuway sa utos na pag-iwas sa pagsasagawa ng mga pagtitipon.

Ang resort sa Barangay Maysilo na pag-aari ng isang Ma. Theresa Cruz, ay pinagdausan ng isang baptismal party na dinaluhan ng 20 katao noong Linggo.

Ayon sa pamahalaang lungsod, bukod sa paglabag sa health protocols, ipinasara ang resort dahil wala itong business permit.

Ipinaalala ng city hall na hindi pa maaaring magbukas ang mga resort at iba pang kauri nito sa ilalim ng modified enhanced community quarantine na ipinatutupad sa layong mapigil ang lalong pagkalat ng pandemya sa COVID-19. (ALAIN AJERO)

193

Related posts

Leave a Comment