NAGHAMON NG AWAY, OBRERO TINADTAD NG MAG-UTOL

BATANGAS – Dead on the spot ang isang construction worker matapos tadtarin ng saksak ng magkapatid na kanyang hinamon ng away sa Lipa City noong Martes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Lambert Agsaoay, 31, tubong Infanta, Quezon at residente ng Biñan City, Laguna.

Ayon sa Lipa City Police, dahil sa hindi pagkakaunawaan, unang hinamon ng suntukan ng biktima ang katrabaho niya sa construction site sa isang subdivision sa Brgy. Bugtong na Pulo, Lipa City na  si Charly Belino, 29, ng Calbayog City, Samar dakong alas-7:30 ng umaga.

Pinatulan naman ito ng suspek at tumulong na rin ang kapatid nito na si Fernando Belino na parehong kumuha ng patalim at sinugod ng saksak ang biktima.

Mabilis na tumakas ang magkapatid matapos ang krimen at ngayon ay target ng manhunt operation ng pulisya.

(NILOU DEL CARMEN)

133

Related posts

Leave a Comment