NAGPONDO KAY ESCUDERO PINAGPAPALIWANAG NG COMELEC

NAG-ISYU ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec) laban sa nagpondo umano kay Senator Chiz Escudero sa kanyang kampanya noong 2022 elections.

Partikular na pinagpapaliwanag sa show cause order si Lawrence Lubiano, ang presidente ng Centerways Constructions and Development Corporation, na umamin sa Kongreso na nag-donate ng P30 milyong campaign contribution para senador noong 2022 elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, dapat ipaliwanag ni Lubiano kung bakit hindi dapat siya sampahan ng election offense na paglabag sa Section 95, (c) ng Omnibus Election Code.

Binigyan si Lubiano ng 5 hanggang 10 araw para makapagpaliwanag.

Samantala, sinabi ni Garcia na susulatan din nila si Escudero para mabigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang panig at kung bakit hindi dapat siya kasuhan.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, kung mapatunayang lumabag ang mga respondent, maaari silang makulong ng isa hanggang anim na taon at posibleng maharap sa perpetual disqualification from holding public office.

(JOCELYN DOMENDEN)

61

Related posts

Leave a Comment