Nahulog sa pader ng rehab TATAKAS NA DRUG SURRENDEREE TODAS

LAGUNA – Patay ang isang drug surrenderee nang mahulog ito mula sa inakyat na pader habang tumatakas mula sa rehabilitation center sa Sta. Rosa City sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang rehab inmate na si Teodoro Vallejo Jr. habang tuluyang nakatakas ang kasama nitong si Arvin Ryan Alora.

Ayon sa report ng Sta. Rosa Police, habang nag-aalmusal ang mga inmate nang umakyat ang dalawa sa pader ng Dangal ng Pagbabago rehabilitation center sa Brgy. Tagapo para tumakas.

Ngunit dahil sa mga bubog na nakalagay sa ibabaw ng mataas na pader ay nahulog ang biktima.

Agad itong isinugod sa Sta. Rosa Community Hospital ngunit hindi umabot nang buhay. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang nakatakas na drug surrenderee. (CYRILL QUILO)

97

Related posts

Leave a Comment