NAKATENGGANG LUPA GAMITIN SA PABAHAY – PBBM

(CHRISTIAN DALE)

MAGLALABAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng executive order (EO) na naglalayong ireserba ang mga nakatenggang state-owned land para gamitin sa housing projects ng gobyerno.

Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, pupulungin ng Pangulo ang mga opisyal ng bangko at iba pang financial institutions para tulungan ang Department of Human Settlements and Urban Development na isakatuparan ang planong pagpapatayo ng pabahay ng isang milyon kada taon o anim na milyon sa pagtatapos ng termino ng administrasyong Marcos.

Ipatutupad ng EO ang Seksyon 24 ng Republic Act No. 11201, na binibigyang mandato ang ilang ahensya ng gobyerno na sama-samang tukuyin ang mga tinatawag na “idle state lands” na akma para sa pabahay at rural development.

Sa ilalim ng EO, ang imbentaryo ay gagawin ng DHSUD, Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Land Registration Authority (LRA) para i- identify ang mga lupaing ito, tinatayang mahigit sa 16,000 ektarya ang gagamitin para sa socialized housing.

283

Related posts

Leave a Comment