Nakipagsabayan sa US, Canada, Japan at France PHILIPPINE NAVY SUMABAK SA LIVE FIRE EXERCISES

SUMABAK sa serye ng fleet maneuvers at live-fire exercises ang mga tauhan ng Philippine Navy Western Naval Command at nakipagsabayan sa kanilang navy counterparts mula sa Estados Unidos, Canada, Japan at France kaugnay sa SAMASAMA 2025 joint naval war games na ginanap sa Puerto Princesa City sa Palawan.

Sa ilalim ng Naval Task Group 44.1, lumahok sa live-fire gunnery exercises ang USS Cincinnati, HMCS Max Bernays, BRP Antonio Luna, BRP Ramon Alcaraz, BRP Valentin Diaz, BRP Lolinato To-Ong, at USS Sprue na nagpapakita ng kani kanilang High-Intensity Naval Firepower and Tactical Synergy.

“Exercise SAMASAMA 2025 continues to reinforce the shared commitment of partner navies in promoting regional stability, maritime cooperation, and a free and open Indo-Pacific region,” ayon kay Captain Ellaine Collado, pinuno ng Western Naval Command Public Affairs Office.

Nagbigay naman ng aerial support ang NV314, US-8, at Falcon 50 para sa situational awareness at maritime surveillance sa naturang exercise, at nakatulong na mapanatili ang maayos na command at control operations.

Nagsagawa rin ang fleet ng division tactical maneuvers at Photo Exercise 2, na tumuon sa unified tactical formations at disciplined seamanship sa multinational forces.

Ayon kay Capt. Collado, sa susunod na 24 na oras, ang participating units ay sasabak sa Surface Action Group versus Surface Action Group serial, isang simulated naval engagement para masubukan ang koordinasyon, maneuver warfare, at strategic decision-making sa real-time maritime scenarios.

Kasunod nito, magsasagawa rin sila ng steaming-in-company operations patungo sa Final Exercise Box na magsisilbing hudyat ng pagtatapos sa high-end combined naval operations sa karagatan.

(JESSE RUIZ)

61

Related posts

Leave a Comment