NAKITULOG NA OBRERO MINARTILYO, SINAKSAK

martilyo

BINIGYAN ng 50-50 tsansang mabuhay ang isang 33-anyos na karpintero na pinukpok ng martilyo at sinaksak ng kabarangay sa Malabon City.

Nakaratay sa Tondo General Hospital ang biktimang si Wilfredo Tumampil, ng C4 Road, Brgy. Tañong, ng lungsod, habang tinutugis ng mga pulis ang suspek na si John Paul Santos, nasa hustong gulang, ng Rizal Avenue ng nasabi ring barangay.

Ayon sa ulat, inabutan ng suspek sa kanyang bahay ang natutulog na biktima dakong alas-11:00 ng umaga noong Oktubre 21.

Sa hindi nabatid na dahilan, kumuha umano ng martilyo ang suspek at pinukpok sa ulo ang biktima. Hindi pa nasiyahan ay sinaksak pa umano ng kutsilyo ng suspek ang biktima.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod ng saksing si Lito Beltran, 39, ang biktima sa naturang ospital.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung bakit natulog ang biktima sa bahay ng suspek. (ALAIN AJERO)

229

Related posts

Leave a Comment