NAKULONG SA DROGA, BUKING SA CARNAPPING

MATINDING kamalasan ang inabot ng isang babaeng nahuli sa drug bust operation nang makatanggap ito ng warrant of arrest sa kasong carnapping na isinilbi sa kanya habang siya ay nakakulong sa Navotas City Jail.

Ayon sa ulat ni Navotas City Police chief, P/Col. Mario Cortes, dakong alas-5:25 ng hapon nang isilbi ng mga tauhan ni P/Capt. Luis Rufo Jr., hepe ng Navotas Police Intelligence Section, ang warrant of arrest laban kay alyas “Rose”, 27, ng Subic, Zambales, sa loob ng Custodial Facility Unit ng Navotas City Police Station (NCPS).

Ang warrant of arrest kontra sa akusado ay inisyu ni Presiding Judge Rixon M. Garong ng First Judicial Region, Branch 37, Lingayen, Pangasinan, na may petsang Oktubre 3, 2024 para sa kasong carnapping na may inirekomendang P300,000 halaga ng pyansa.

Napag-alaman, kasalukuyang inaayos ng suspek ang unang kasong kinasangkutan tungkol sa droga, para makapaglagak ng piyansa ngunit nahalungkat ang kanyang kasong carnapping.

Ang suspek na kabilang sa most wanted persons sa Lingayen, Pangasinan, ay nakapiit ay sa Navotas City Police, matapos maaresto ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa buy-bust operation sa Road 10, Brgy. NBBN ng lungsod dakong alas-6:16 ng umaga noong Disyembre 16, 2024, kasama ang isang Chinese national, at nakuha sa kanila ang mahigit dalawang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P15.1 milyon.

Maaaring malaking sindikato ang nasa likod ng gumagawa ng hakbang para mapalaya ang kanilang miyembro ngunit hindi lang sa droga nasangkot ang nasabing suspek kundi pati na rin sa carnapping, ayon sa imbestigador.

Malaki ang duda ng mga awtoridad na maaaring may darating pang warrant of arrests para sa suspek dahil lantad ang pangalan niyo sa bandang norte kung saan marami ang nagrereklamo sa kanilang illegal na aktibidad. (MARDE INFANTE)

216

Related posts

Leave a Comment