NAMAMATAY SA COVID-19 TULOY SA PAGDAMI

PUMALO na sa mahigit 2000 ang bilang ng mga namatay nang dahil sa coronavirus disease o COVID 2019 sa Hubei Province sa China.

Sa update ng provincial health commission, aabot sa 1,693 ang bagong kaso ng mga tao na na-infect ng virus.

Dahil diyan, umakyat na sa mahigit 74, 000 ang mga tinamaan ng virus na karamihan ay sa Hubei.

Sa huling ulat ng China National Health Commission na umabot na sa 2004 ang mga namatay.

Sinabi ni Chinese President Xi Jinping, ang mga ipinatutupad na measures ng bansa ay may “visible progress.”

Pero sinabi ng World Health Organization na maaga pa para sabihin kung nako-contain o pababa na ang kaso ng naturang virus. KIKO CUETO

156

Related posts

Leave a Comment