NANGISDA NG MAUULAM BANGKAY NA LUMUTANG

BANGKAY na lumutang ang isang lalaking nangisda ng mauulam ng kanyang pamilya sa Navotas City.

Kinilala ang biktimang si Jaymark Panganiban, nasa pagitan ng 25-30-anyos ang edad, residente ng Judge Roldan St., Brgy. San Roque.

Ayon sa ulat, alas-7:20 ng gabi noong Agosto 31 nang matagpuang nakalutang ang bangkay ng biktima sa Dike Pondohan, Dulong Tangos, Brgy. Tangos North.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima ng ilang residente ng Dulong Tangos bago magtanghali habang nangingisda sa Dike Pondohan.

Isasailalim sa awtopsiya sa Northern Police District (NPD) Crime Laboratory Office ang bangkay ng biktima upang mabatid kung ano ang ikinamatay nito. (ALAIN AJERO)

249

Related posts

Leave a Comment