Nangmolestiya ng nene ENFORCER ARESTADO HABANG NAGMAMANDO NG TRAPIKO

INARESTO sa bisa ng warrant of arrest ang isang traffic enforcer na umano’y nangmolestiya ng isang nene, habang nagmamando ng trapiko noong Huwebes ng hapon sa Navotas City.

Kinilala ang arestado na si Jaidelito Robles, 45, residente ng Kapalaran 1, Brgy. San Roque, ng lungsod.

Dinamba si Robles ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 3 ng Navotas Police sa joint manhunt operation dakong alas-2:15 ng hapon sa kanto ng M. Naval at P. Gabriel Streets, Brgy. Sipac-Almacen, Navotas City.

HInuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Emmanuel D. Laurea ng Regional Trial Court (RTC) Branch 169, Malabon City para sa kasong paglabag sa Section 5 (B) ng Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (ALAIN AJERO)

133

Related posts

Leave a Comment