Nangunyapit sa trono, sesyon sinuspinde CAYETANO POOR LOSER – ATIENZA *Velasco humingi ng basbas kay Duterte

(BERNARD TAGUINOD)

MISTULANG hinigpitan pa ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang kapit sa kanyang trono nang magmosyon ito na suspendehin ang sesyon dahilan para mapurnada ang planong pag-upo ng katunggaling si Marinduque Representative Lord Allan Velasco .

Hindi naman napigilan ng kilalang kaalyado ni Velasco na si Buhay party-list Rep. Lito Atienza na magpahayag ng pagkadismaya kung saan tinawag niyang ‘poor loser’ si Cayetano.

Dahil sa mosyon ni Cayetano na suspendehin ang sesyon hanggang Nobyembre 16, 2020 pagkatapos pagtibayin sa ikalawang pagbasa ang House Bill (HB) 7727 o ang P4.506 trillion pondo ng gobyerno sa 2021 ay malabong maupo si Velasco sa Oktubre 14.

Ang Kongreso ay nakatakdang mag-recess mula Oktubre 14 hanggang Nobyembre 16 subalit napaaga ang pag-adjourn ng sesyon sa mosyon si Cayetano na tapusin ang floor deliberation sa pambansang pondo at aprubahan na ito sa ikalawang pagbasa.

Habang nasa gitna ng deliberasyon sa budget ng Department of Environment and Natural Resource (DENR), nag-privilege speech si Cayetano kung saan muli nitong binakbakan si Velasco dahil sa pagkakalat umano ng kampo nito ng fake news at bintang na hino-hostage niya ang national budget.

“I move to terminate the period of debate of House Bill 7727 otherwise known as the GAB (General Appropriation Bill), I so moved Mr. Speaker,” ani Cayetano na agad sinegundahan ni Bulacan Rep. Jonathan Alvarado.

Agad bumuo ng small committee ang Kamara para tumanggap ng individual amendments ng mga kongresista at mabuo na ang komite sa pambansang pondo para sa ikatlo at huling pagbasa pagbalik ng session sa Nobyembre 16.

“In accordance with our legislative calendar, session is suspended until November 16 at 3:00 o’clock in the afternoon,” deklarasyon naman ni presiding speaker Raneo Abu matapos mag-move to suspend si presiding majority leader Xavier Jesus Romualdo.

Hindi maaaring magpalit o magsagawa ng rigodon sa Kongreso habang suspendido ang sesyon.

Tinangka naman ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na kiontrahin ang mosyon ni Cayetano subalit hindi ito pinansin matapos maunahan ni Alvarado.

“This proves beyond doubt that Speaker Cayetano is desperately hanging on.

He has just publicly confirmed that he is losing ground that’s why he did it.

This is typical of a poor loser. ‘Pag natatalo ka na, guluhin mo na lang ang mesa, sunugin mo na lang ang bahay ika nga,” ani Atienza.

Bago ito ay nagpahayag ng kumpiyansa ang kampo ni Velasco na makauupo ang mga ito pagdating ng Oktubre 14 matapos makakuha umano ng basbas kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa statement ng kampo ni Velasco sa pamamagitan ni Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon, lalong lumakas ang tsansang magpapalitan ng Speakership sa Oktubre 14, matapos ibigay umano ni

Duterte ang kanyang basbas sa Marinduque solon.

“The President was categorical when he said, “Lord, it is your right time now. I have already spoken.

You have to insist your right based on the term sharing agreement,” pahayag ni Leachon.

“That’s why we expect Speaker Alan Cayetano to resign on October 14 and to abide by the term sharing agreement because his time is already up,” dagdag pa ng mambabatas na kaalyado ni Velasco.

Aminado si Leachon na tama ang pahayag ng Malacañang na wala silang kapangyarihan na mamili ng Speaker ng Kamara dahil desisyon ito ng mga miyembro ng Kapulungan, pero kumpiyansa pa rin umano ang mga ito na makukuha nila ang mayorya.

 

Tuloy ang baklasan

 

Samantala, tatlo pang kaalyado ni Velasco ang tinanggalan ng committee chairmanship bago nag-adjourned ang session ng Kamara.

Tinanggal na bilang chairperson ng House committee on economic affairs si Sharon Garin at ipinalit si Aklan Rep. Teodoro Haresco na isa sa mga kaalyado ni Cayetano.

Sinibak din bilang chairman ng House committee on health si Quezon Rep. Angelina Tan at ipinalit sa kanya si Guimaras Rep. Ma. Lucille Nava habang inalis din bilang chairman ng Youth and

Sports committee si Valenzuela Rep. Eric Martinez at iniluklok si Manila Rep. Yul Servo Nieto.

Una nang tinanggal bilang Deputy Speaker si Rep. Mikee Romero.

Walang impormasyon kung ilan sa mga kaalyado ni Velasco ang nabigyan ng committee chairmanship sa administrasyon ni Cayetano na posibleng matanggal sa mga susunod na araw.

 

Sangkot sa ilegal?

 

Itinanggi naman ni Romero na sangkot ito sa ilegal na negosyo tulad ng alegasyon ni Cayetano.

“My business is only airline now. All above board with Malaysian publicly listed corporation as partner. I have even divested there.

Ni wala ako any history kahit isa nang ganyan. Guni-guni nya lang yan to distract people,” ani Romero sa mga mamamahayag.

Ayon sa mambabatas, pinili niyang manahimik matapos siyang tanggalin bilang Deputy Speaker dahil kasama umano ito sa grupo ni Marinduque Rep. Lord Alan Jay Velasco.

Gayunpaman, labis ang pagtataka nito na kasama siya sa mga pinag-iinitan ni Cayetano gayundin si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves at inakusahan ang mga ito na sangkot sa ilegal na negosyo.

“May mga kasamahan tayo na ilegal o illegitimate ang mga negosyo, or ilegal o illegitimate ‘yung business practices.

Sa tamang panahon po, pagkatapos ng budget, I will confront former Deputy

Speaker Mikee Romero and Congressman Arnie Teves sa kanilang business practices at ‘yung paggamit nila ng pagiging kongresista para sa illegitimate o ilegal na gawain,” banta ni Cayetano.

Hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag si Teves sa alegasyon at bantang ito ni Cayetano. (BERNARD TAGUINOD)

 

Basbas ni Duterte

 

Nauna rito, humingi ng permiso si Velasco kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo bilang House Speaker.

Nagpulong sina Pangulong Duterte at Speaker-in-waiting Velasco, Lunes ng gabi sa Malakanyang.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na si Velasco ang nag-request ng meeting kay Pangulong Duterte, ilang araw matapos magpulong sina Pangulong Duterte at Cayetano sa

Malakanyang din kung saan pinag-usapan ng mga ito ang pinagtatalunang liderato sa Kongreso.

“Humingi po ng permiso si Congressman Lord Allan para tumakbo bilang Speaker at ang sagot po ng Presidente: ‘Karapatan mo ‘yan, sang-ayon sa kasunduan ninyo kay Speaker Alan Cayetano,'” ayon kay Sec. Roque.

“I will refrain from annotating what has been said,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, walang kapangyarihan si Pangulong Duterte na pumili ng lider ng Kongreso.

Ito’y sa kabila ng nangyaring pulong sa Malakanyang nina Pangulong Duterte at Velasco.

“Hindi naman po kasi Presidente ang pumipili ng Speaker–mga miyembro pa rin ng Kamara de Representante ang pumipili d’yan,” ayon kay Sec. Roque.

“Siguro po may punto na sa simula ng Kongreso, hindi pa magkakakilala ang mga kongresista lalo na sa Kongreso na ito na mayorya ay mga first-termer, puwedeng maging influential ang Presidente.

Pero nakasaad po sa Saligang Batas, talagang decision iyan ng Kamara de Representante,” dagdag na pahayag nito. (May dagdag na ulat si CHRISTIAN DALE)

126

Related posts

Leave a Comment