NANINIRA KAY ES NATUKOY NA?

PUNA Ni JOEL AMONGO

SINO itong nagngangalang Noelle Prudente na nasa likod ng paninira kay Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez?

Natukoy na siya pala ang nasa likod ng paninira sa tinaguriang “little president”.

Mabuti man o masamang gawain ay sisingaw rin ‘yan kalaunan, tulad na lamang ng paninira kay ES na sumingaw rin sa wakas.

Ang mamang ito ang naging tulay ng ilang mga negosyante kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. nitong nakaraang eleksyon.

Isiniwalat ng isang source na malapit sa Malacañang, na siya ang nasa likod ng lumabas na paninira sa pamamagitan ng artikulo na si ES Rodriguez ay nagbitiw sa kanyang pwesto.

Malinaw na isang fake news dahil walang katotohanan na nagbitiw sa kanyang pwesto si ES.

Itinuturing ngayong “power broker” sa Malacañang ang mamang ito na inila-lobby ang mga “juicy position” ng Bureau of Customs (BOC), Bureau Internal Revenue (BIR) at Land Transportation Office (LTO). Wow! Ang lakas ng arrive mo, bossing.

Naging masipag si bossing sa pag-solicit nitong nakalipas na eleksyon sa mga negosyanteng gustong tumulong sa UniTeam, na karamihan ay Chinese businessmen sa Cavite.

Abay, limpak-limpak na salapi ang pinag-uusapan dito dahil sa lakas ng UniTeam ng mga panahon na ‘yan, marami ang kanyang ­makokolekta.

Siyempre, bago mo makumbinsi ang negosyante na magbigay

ng ambag ay katakot-takot munang pangako ang bibitawan mo sa

kanya kung paano siya makababawi sa kanyang ibinigay na pera.

Ngayon naman ang kanyang puntirya ay si ES Rodriguez dahil siya ang pinakamalapit kay PBBM.

Bakit niya sinisira si ES Rodriguez? Dahil hindi sang-ayon sa kanyang diskarte.

Gusto niya siya lahat ang masunod sa mga hahawak ng posisyon sa gobyerno na binakante ng nakaraang administrasyon?

Para lamang matupad niya ang kanyang ipinangako sa mga negosyante na mga proyekto?

Anong pakialam ni ES sa kanyang transaksyon sa mga negosyante?

Siya rin kaya ang Noelle Prudente na nanggaling sa Bureau of Customs?

Isang nangangalang Noel Prudente kasi ang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa BOC noong 2018.

Kung siya nga ang nanggaling sa BOC, walang kaduda-dudang magaling nga siyang “power broker”.

Tsk! Tsk! Tsk! Kung hindi mapipigilan ang taong ito ay siya ang sisira sa magandang layunin ni PBBM.

Hindi kapakanan ng taumbayan ang kanyang iniisip kundi ang pansariling interes niya.

Napakaraming suliranin ni PBBM ngayon dumagdag ka pa!

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

193

Related posts

Leave a Comment