NAPUNO SA SERMON NI MISIS, JOBLESS NAGBIGTI

“PINAGSABIHAN ko lang siya dahil palagi na lang siyang nag-iinom ng alak,” ang pahayag ng misis ng isang lalaki na nagbigti sa loob ng kanilang silid sa Tondo, Manila nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktimang si June Alexis, jobless, ng nasabing lugar.

Base sa ulat ni Det. John Kelvin Zuñiga, na isinumite kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-8:30 ng umaga, nang madiskubreng nakabigti ang biktima sa kanilang kuwarto sa ika-2 palapag ng bahay.

Humingi ng tulong si misis sa kanyang mga kasamahan sa bahay at mabilis nilang isinugod ang biktima sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center, subalit dakong alas-9:15 ng umaga nang ideklarang wala nang buhay ni Dr. Kristine Plazo, attending physician ng nasabing ospital.

(RENE CRISOSTOMO)

211

Related posts

Leave a Comment