NARTATEZ SA NCRPO AT PRO-3: PAGPASLANG SA BABAENG PULIS AT ANAK, SOLUSYUNAN AGAD

INIUTOS ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa NCRPO at Police Regional Office 3 na bigyang prayoridad ang imbestigasyon sa brutal na pagpaslang sa isang babaeng pulis at kanyang 8-anyos na anak.

Ipinag-utos ng PNP chief ang paggamit ng lahat ng available resources upang mabilis na maresolba ang pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido ng Taguig City at sa kanyang anak.

Si Mollenido ay nakatalaga sa Regional Personnel and Records Management Division ng NCRPO. Huling nakitang buhay ang mag-ina noong Enero 16 matapos umanong ibenta ng pulis ang kanyang sasakyan.

Natagpuan ang bangkay ni Mollenido noong Enero 25 sa isang creek sa Pulilan-Baliuag bypass, nakabalot sa damit at inilagay sa itim na garbage bag. Samantala, natagpuan naman ang bangkay ng kanyang anak sa isang calamansi farm sa Barangay Malauid, Victoria, Tarlac, na nakabalot din sa plastic.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga nasa likod ng krimen.

(TOTO NABAJA)

11

Related posts

Leave a Comment