NASUKOL ang isang top 1 most wanted person na may kasong rape, ng mga elemento ng PNP San Narciso, Zambales, sa pangunguna ni P/Maj. Jonathan C. Bardaje Acop, sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Romano V. Cardiño, provincial director, sa Brgy. Bliss St., La Carlota City, Negros Occidental.
Kinilala ni P/Col. Cardiño ang suspek na si Angel Obispo II y Dacayo, residente ng Brgy. Sang-ang II, La Castellana, Negros Occidental, nadakip dakong alas-9:40 ng gabi noong Pebrero 14, bilang bahagi ng one-time big-time operation, sa joint police operations ng mga operatiba ng Zambales PNP at La Carlota City Police Station, Negros Occidental.
Ayon sa ulat, nagtago si Obispo makaraang sampahan ng kasong paglabag sa RA 7610, Sec 5 (B) (rape) sa bisa ng alias warrant of arrest na inisyu ni Hon. Marifi Chua, presiding judge ng RTC Branch 70, Iba, Zambales City.
Ngunit bunsod ng patuloy na intelligence driver operation ng Zambales PNP ay natunton ang kinaroroonan ng suspek na nagresulta sa pagkakadakip dito.
“The long arms of the law will eventually catch those who continue to evade justice and catch those who are trying to fool around and hide, the arrested accused will surely assure their victim that they will soon achieve justice of such grave offense,” pahayag ni P/Col. Cardiño.
Pinapurihan ni P/Col. Cardiño ang kanyang mga tauhan sa “job well done” sa pagtugis sa nasabing wanted person.
Ang suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng San Narciso MPS. (JESSE KABEL)
167 