(NI NOEL ABUEL)
AABOT sa 10 priorty measures ang agad na inihain sa Senado sa pagbubukas ng 18th Congress.
Pinangunahan ni opposition leader Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang paghahain ng panukala partikular ang pagpapabuti sa agrikultura, environment, at civil service.
Kasama rin dito ang matagal nang nabimbin na Coconut Farmers and Industry Development Act o ang Coco Levy Act gayundin ang panukala sa post-harvest facilities, organic farming, at expanded crop insurance; National Land Use Act of 2019.
Gayundin ang pagtatayo ng Department of Fisheries and Aquatic Resources at ang Department of Disaster and Emergency Management; Rainwater Management Bill; Single-Use Plastic Regulation and Management Act; at ang Basic Education Teachers Pay Increase Act.
“Ipagpapatuloy natin ang labang sinimulan bago ang ika-17 Kongreso. Naniniwala tayo na dapat unahin ang sektor ng agrikultura, lalo na ang pagtaas ng kita ng mga magsasaka at mangingisda. Makatutulong sa pagpapagaan ng kahirapan at pagpapalakas sa ekonomiya sa kanayunan. Para mangyari ito, kailangan din nating taguyod ang mga kaugnay na batas para sa kalikasan,” ani Pangilinan.
321