105 ARAW MATERNITY LEAVE NAKATENGGA SA PALASYO

buntis1

(NI NOEL ABUEL)

LAGDA na lamang ng Malacanang ang kailangan bago tuluyang matanggap ng mga buntis ang dagdag na araw na maternity benefits ng mga ito.

Sa ilalim ng panukalang Expanded Maternity Leave, mula sa kasalukuyang 60 araw na maternity leave ay gagawin itong 105  araw sakaling lagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Umaasa ang Senado na tuluyan na itong mapipirmahan kung saan Enero 21 pa nang isumite ito sa Palasyo .

Isinasaad sa nasabing panukala na ang 105 araw na maternity leave ay ipagkakaloob sa mga lahat ng buntis na empleyado ng sa pribadong at pampublikong sektor.

Sa kasalukuyang batas, 60 araw ang ibinibigay na maternity benefits sa normal delivery habang 78 araw naman sa manganganak sa pamamagitan ng cesarean section.

Kasama rin sa panukala na ang mga solo parent ay pagkakalooban din ng karagdagang 15 araw na paid maternity benefits.

81

Related posts

Leave a Comment