2 PANG ISLA NG PINAS DINAGSA NG CHINESE VESSELS

china12

MATAPOS dagsain ang Pagasa sa Kalayaan Island Group, dumating naman ang mga Chinese vessels na pinaniniwalaang bahagi ng maritime military ng China malapit sa dalawang iba pang isla ng Pilipinas na sakop ng South China Sea.

Ilan sa mga barko ng China ay nakitang mas malapit sa isang kilometro sa Kota at Panata may 24 kilometro ng timog ng Pagasa island, ang pinakamalaki sa siyam na islang inookupa ng mga Filipino sa Spratly Island, ayon sa Asia Maritime Transparency Initiative (Amti).

Nakumpirma sa pamamagitan ng satellite images na nakolekta noong Marso 12, 16 at 29 at Abril 7, ang pagdating ng mga Chinese vessels sa lugar na may indikasyon na mga military ng naturang bansa.

Ilang sa mga barko ang humimpil at walang mga fishing gear.

Kinontra naman ng Philippine government ang pagdagsa ng may 275 Chinese vessels sa unang tatlong buwan ng taon. Malapit umano ang mga ito sa Pagasa at tatlong sandbars malapit sa isla kung saan nagsasagawa ng rehabilitasyon ang military.

Sa pahayag nitong Abril, kinuwestiyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang presensiya ng Chinese vessels gayundin ang intensiyon nito sa pagdagsa sa malapit sa isla.

Sinabi ng Amti na ang presensiya ng Chinese militia ay upang kontrahin ang maliliit na imprastruktura na itinatayo ng Pilipinas sa Pagasa island.

245

Related posts

Leave a Comment