HOLY WEEK VACATION OF THE STARS

kim12

I SAY(NI RK VILLACORTA)

VACAY   mode na ang mga taga-showbiz. ‘Yung iba, noong Palm Sunday pa lumarga para sa much needed rest.

After the stressful promo of Stranded with Arjo Atayde, si Jessy Mendiola, nag-impake na kasama ang boyfriend na si Luis Manzano at lumipad pa-Japan.

A few days ago, I had a short chat with Luis. Nasa Japan na pala ang kausap ko! Ang balik nilang dalawa: “22(April) for me. Day after my birthday,” PM ng host-lover boy sa amin.

Sina Kim Chiu at Xian Lim, hayun  sa exotic Bali at ini-enjoy ang pagka-miss nila sa isa’t isa dahil sa trabaho. Remember that Xian stayed almost a month sa bansang Georgia (dating part ng USSR) kung saan siya nag-shooting with Cristine Reyes.

Balita ko, sina Arjo at Maine Mendoza ay sa Hawaii magbi-vacay. Regalo ng aktor kay Maine ang trip na sana ay noong birthday ng dalaga ginawa kaso nagkaroon ng aberya.

Si Direk Manny Valera na manager nina Polo Ravales at Jean Garcia ay ready na to enjoy Iloilo and Guimaras Island, while si Megastar Sharon Cuneta ay inuna na ang Korea vacay with her family (Sen. Kiko and their 3 kids), minus KC Concepcion na so much in love sa kanyang French boyfriend.

Sa pagbabalik kasi ng singer-aktres from her vacation  ay tututukan naman niya ang first horror movie niya na Kuwaresma sa direksyon ni Erik Matti.

                                                                                   ###

After ng media launch ng horror movie na Maledicto last Tuesday lunchtime, diretso ng La Union ang super thin na si Jasmine Curtis-Smith.

Abala kasi ang dalaga sa pagiging hands-on sa business na boutique hotel sa surfing destination sa Norte.

Originally ay negosyo ito ng boyfie ni Jasmine na si Jeff Ortega at mga friends nito. Pero sa interest na matuto ay isa na ngayon sa mga partners si Jas.

Kung walang ganap or scheduled activities ang dalaga sa Manila, makikita mo siya sa La Union na tutok sa negosyo na ngayon ay may soft opening at magpu-full blast na ang operation by the end of 2019.

Mabuti at iniisip ni Jasmine ang kanyang fallback in case dumating ang panahon na hindi na siya aktibo sa showbiz.

Almost three years na rin sila ni Jeff at tila mula nang maging magkarelasyon sila ay naging positibo si Jasmine. In short, good influence si Jeff sa dalaga.

Sabi ng dalaga who plays Sister Barbie sa Maledicto directed by Mark Meily and produced by Signal Entertainment and Fox Originals, ang paghahanda niya ay hindi lang para sa kanya or sa kanila ni Jeff kundi para matupad na rin ang kanyang mga dreams na may sarili siyang accomplishments. Kung maaalala pa, naging madugo ang previous relationship ni Jasmin na iisipin mo na hindi siya maka-recover, but with Jeff, oks na ang lahat.

 

248

Related posts

Leave a Comment