300 BRAND NG SUKA SINUSURI NG DoH SA SYNTHETIC ACETIC ACID

suka12

SINUSURI na ng Department on Health (DoH) ang 300 local at imported na brand ng suka na ibinebenta sa bansa upang mabatid kung gumagamit ang mga ito ng banned na kemikal sa kanilang produkto.

Ang pagsusuri ay ginawa ilang linggo makalipas ibunyag ng Philippine Nuclear Research Institute na nagtataglay ng nakalalasong kemikal na synthetic acetic acid ang mga suka na ibinebenta sa merkado.

Natuklasan din na 80 porsiyento ng mga suka sa pamilihan ay hindi gawa sa mga natural na sangkap.

Prayoridad ng ahensiya ang mga local brands na ibinebenta at ilalabas ang resulta nito sa susunod na linggo, ayon kay Health Undersecretary Rolando Domingo.

Gayunman, patuloy na itinatago ang pangalan ng mga brands hanggat hindi pa natatapos ang pagsusuri.

Idinagdag pa ng DoH na ang synthetic acetic acid ay hindi delikado sa kalusugan ng tao taliwas sa pagsusuri ng Philippine Nuclear Research Institute na peligroso ang kemikal na galing sa gasolina.

Nagsagawa na rin ng mga pagsusuri ang Department of Science and Technology at ang Food and Drug Administration upang alamin ang mga ginagamit na sangkap sa suka at iba pang panimpla.

“Condiments usually undergo the process of fermentation, and the raw materials must come from fruits and other natural products,” sabi ni Raymond Sucgang, section head ng PNRI Nuclear Analytical Techniques Applications Section.

Nakatakda ring suriin ang iba pang brand ng toyo, patis at ketchup sa mga susunod na linggo upang malaman ang mga ginagamit na ingredients sa mga ito.

 

308

Related posts

Leave a Comment