300-M KILO NG IMPORTED NA BABOY IKALULUGI NG LOCAL HOG FARMERS

pork

(NI DAVE MEDINA)

MAYROONG over supply ng baboy sa bansa na makapagpapalugi sa mga negosyante.

Ayon sa National Federation of Hog Farmers (NFHF), makasasama sa industriya ang pagkalugi ng mga negosyante ng baboy dahil magkakaroon naman ng maliit na supply na magreresulta sa mas mataas na presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan.

Sinabi ni Chester Warren, chair ng  NFHF, nagkaroon ng sobra-sobrang importasyon ng baboy sa bansa makaraang magpaangkat ang gobyerno noong 2018 upang punuan ang kakulangan ng 100 milyong kilo ng baboy  sa merkado. Ang total demand noong 2018 umano ay 1.7 billion kilo kung saan ang supply lamang ay 1.6 billion kilo.

Nilinaw ni Tan na kinailangan ng gobyerno ng 100 milyon kilong baboy para maging sapat ang supply ng pork sa bansa.

Subalit sa halip na 100 kilo ang angkatin, mahigit sa 400 milyon kilo ng pork ang inimport sa bansa kaya nagkaroon pa ng sobra-sobrang 300 milyon kilo na supply katumbas ng 60 hanggang 70 araw na buffer stock ng pork.

Dahil dito ay nananawagan si Tan sa Department of Agriculture (DA)  na gawan ng paraan ang sobra-sobrang importasyon ng pork meat sa bansa na labis na ikinalulugi ng mga local hog farmers.

 

194

Related posts

Leave a Comment