(NI ROSS CORTEZ)
PORMAL nang sinampahan ng kaso ang apat na kadete ng Phil National Police Academy, Camp Mariano Castaneda sa Silang Cavite, na sangkot sa hazing noong Oktubre batay sa inihaing reklamo ng 19-anyos na si Cadet 4th Class John Rafael Desiderio
Ayon sa pahayag ni Police Major Resty Soriano, hepe ng Silang Municipal Police Station, sinampahan nila ng kasong paglabag sa Section 2 (a) ng Republic Act 11053 o mas bilang Anti Hazing Law, ang mga suspek na sina Cdt. 3rd class Jovan Sernat, Cdt. 2nd class CLARENCE CABUCOS, Cdt. 3rd class Arron Dahryl Villanueva at Cdt. 3rd class Paul Birusng, sa sala ni Assistant Provincial Prosecutor Emmanuel Rivera sa Office of the Provincial Prosecutor, Imus City, Cavite
Kasalukuyan umanong nasa restrictive custody ngayon ng PNPA ang apat na kadeteng suspek habang naghihintay sa proseso ng kasong isinampa kahapon laban sa kanila
Ang PNPA umano ang hahawak sa kasong Administratibo ng mga suspek, habang may kaugnayan naman sa kasong kriminal (hazing) ang isinampang reklamo ng Silang MPS
Magugunitang nag-ugat ang kaso, matapos magkaroon ng internal bleeding ang biktima na may kaugnayan sa ginawa ng apat na suspek sa kanya.
371