43-ORAS LIQUOR BAN IPATUTUPAD NG PNP

ban12

(NI JG TUMBADO)

IPATUTUPAD ng Philippine National Police (PNP) ang 48-oras na liquor ban bago ang May 13 midterm elections.

Sa ipinatawag na pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesperson Col. Bernard Banac, ito ay para matiyak ang mapayapa at maayos na eleksyon.

Magsisimula ang implementasyon nito bandang alas 12:01, Linggo ng madaling-araw (May 12) hanggang alas 12:00, Lunes ng madaling-araw (May 13).

Magiging mahigpit aniya ang pagbabawal ng pagbebenta ng anumang klase ng inumin na nakalalasing.
Bahagi aniya ito ng inihandang seguridad ng PNP para sa eleksiyon.

Magiging mahigpit ang pagpapatupad sa direktiba at agad na aarestuhin ang sino mang maaktuhang umiinom ng alak sa kalsada at iba pang pampublikong lugar.

232

Related posts

Leave a Comment