55% IBINABA NG ELECTION RELATED CASE — PNP

comelec pnp12

(Ni FRANCIS SORIANO)

KAHIT tapos na ang 2019 midtern election ay patuloy pa rin ang naitatalang karahasan ng Philippine National Police (PNP) subalit mas mababa pa rin umano ng 55% ang naitalang krimen kumpara noong 2016.

Gayunman, nagpapatuloy pa rin ang pagmonitor sa mga election related violent incidents (ERVIs) kahit tapos na ang midterm elections.

Ayon kay P/Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, hanggang June12 pa matatapos ang election period at siya ring huling araw sa pagpapatupad ng gun ban.

Base sa talaan ng PNP na nagsimula noong January 13, umaabot sa 51 insidente ang nangyaring election incident related bago ang araw ng eleksyon o pre-election at 8 naman sa mismong araw ng halalan at isa pagkatapos ng araw ng halalan.

Dagdag pa ni Banac, mas mababa ito ng 55 percent kumpara noong 2016 national election na nakapagtala ang PNP ng 133 election related incidents.

 

 

133

Related posts

Leave a Comment