MGA BARIL NI ERWIN TULFO IPINAKO-KOSTODIYA SA PNP

erwin12

(NI JESSE KABEL)

INUTOS ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police na ideposito o ikostodiya ni radio personality Erwin Tulfo ang kanyang mga baril.

Ito ay makaraang lumitaw sa record ng PNP na expired na ang mga dokumento nito simula pa nitong nakalipas na buwan.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Bernard Banac, noong buwan ng Mayo ay napaso na ang license to own and possess firearms (LTOPF) ni Tulfo.

Bunsod nito ay  ipinag-utos na ng PNP ang recall o temporary custody sa mga armas na pagmamay-ari ng brodkaster.

“The PNP has ordered for the recall or temporary custody or safekeeping of the firearms of Erwin Tulfo in as much as the license to own and possess firearms of Mr. Erwin Tulfo has already expired,” pahayag ni Banac.

Nabatid na nagsilbi na ng Notice ang PNP hinggil sa expired document ng mga baril ni Tulfo at naipadala na aniya sa radio personality noong Huwebes, June 6.

 

141

Related posts

Leave a Comment