61-M OFFICIAL BALLOTS TAPOS NA — COMELEC

COMELEC12

(Ni FRANCIS SORIANO)

PORMAL nang ini-anunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na natapos na lahat ng National Printing Office (NPO) ang paglilimbag sa huling bahagi  ng 61,000,000 official ballots para sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Director Teofisto Elnas Jr, tututok na lamang ang Comelec sa shipment nito, kung saan ay makakatuwang nila ang mga forwarder na accredited ng poll body at ibang election materials na lang ang kanilang inaasikaso.

Base sa tala ng Comelec, mayroong 61,843,750 registered voters para sa May 13 polls.

Dagdag pa nito na ang 1.1 milyon na official ballots ay gagamitin umano sa Final Testing and Dealing (FTS) process habang ang iba ay gagamitin naman sa demonstration ballots para sa Vote-Counting Machine (VCM) at  road show purposes.

Ang naunang nilimbag na official ballots para sa Overseas Absentee Voting (OAV) at ang mga nakalaan para sa malalayong lugar sa bansa ay naipadala na.

156

Related posts

Leave a Comment