DONAIRE, WAGI!

donaire123

CAJUN DOME, LAFAYETTE – Hindi umubra kay WBA bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire ang late replacement na si Stephen Young, nang tamaan niya ito ng kaliwa para sa sixth round stoppage sa semifinals ng Worlds Boxing Super Series, Linggo (Manila time).

Si Donaire (40-5, 26KOs) ay orihinal na kalaban si WBO champion Zolani Tete, pero nag-withdraw ang South African sanhi umano ng injury ilang araw na lang bago ang laban.

Ang size, power at experience ni Donaire ay hindi kinaya ni Young (18-2, 3KOs), na walang ginawa sa kabuuan ng laban kundi ang umatras, habang sugod naman ng sugod si Donaire.

Kaya sa sixth round ay left hand ang binitiwan ni Donaire, bagsak at counted out si Young.

305

Related posts

Leave a Comment