(NI CHRISTIAN DALE)
MATAPOS sibakin sa puwesto, inutusan pa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 64 empleyado ng Customs na maglinis ng Pasig River malapit sa Malakanyang.
Ang 64 tauhan ng admin section ng Bureau of Customs (BoC) ay sinibak ng Pangulo dahil sa katiwalian.
Sa talumpati ng Pangulo sa Araw ng Pasasalamat for Overseas Filipino Workers
Lapu Lapu Grandstand, Camp General Aguinaldo, Quezon City, tiniyak nito na hindi kasama si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa kanyang sinibak kundi ang 64 na tauhan ng admin section.
“Yesterday, tinanggal ko sa trabaho [ang] entire administrative section sa Customs. Tinanggal ko silang lahat. Sixty-four of them,”ayon sa Pangulo.
Sa kabilang dako, inulit naman ng Punong Ehekutibo ang utos nito na magreport sa kanya sa Malakanyang ang mga sinibak nitong Customs employees sa darating na Lunes, Hulyo 21.
Aniya, talagang galit siya sa kurapsyon at sa BOC dahil hindi ito mahinto.
“Galit talaga ako sa corruption. ‘Yang Customs na yan sabi nila hindi maputol putol, napuno na ako. Sabi ko hindi na talaga mahinto ang p*@&inang ‘to umalis kayong lahat,” ayon sa Pangulo.
124