(NI JESSE KABEL)
IPINARARATING ngayon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine ang kanilang taos pusong pasasalamat sa sambayanang Filipino at sa mga organisasyon na patuloy na sumusuporta at nagpapataas ng kanilang moral.
Ayon kay AFP chief of staff, Gen Benjamin Madrigal Jr., napakarami nilang dapat na ipagpasalamat sa sambayanang Filipino mula sa mga diskuwento sa pasahe, libreng sakay at mga serbisyo , donasyon para sa mga nasawi, sugatan sundalo at maging sa kanilang mga dependent hanggang sa malaking diskuwento sa ilang shopping malls.
Nabatid na ngayong Araw ng Kalayaan, bukod sa mga nabangit na benipisyo ay entitled din ngayon ang mga kasapi ng AFP ng hangang 70 percent discount sa mga selected items sa mga participating SM Supermalls tenants sa buong bansa.
‘We encourage all active, retired, and veteran members of the military and other uniformed services to avail of this opportunity, ani AFP spokesperson Noel Detoyato kaugnay sa paggunita ng Independece Day ngayon Hunyo 12.
190