(NI BETH JULIAN)
IMINUNGKAHI ng ilang Cabinet secretary kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng mga hakbang para mabawasan ang patuloy na paglobo ng populasyon o ang tinatawag na population decongestion sa Metro Manila.
Ginawa nina Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang rekomendasyon sa Pangulo.
Sa kanilang mungkahi, kinakailangang magkaroon o makalikha ng mas maraming economic activities sa labas ng National Capital Region.
Isa sa strategy para mangyari ito, ayon kina Cimatu at Lorenzana ay bigyang dagdag na insentibo ang mga negosyante na maglalagak ng puhunan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Sa nasabing paraan, nakikita nila Cimatu at Lorenzana na hindi na sa Metro Manila o NCR dadagsa ang mga tao kungdi dudumugin ang mga negosyo o trabaho na itinayo ng mga negosyante sa ibang mga rehiyon.
Kaugnay nito, pinagsusumite ng Pangulo ang mga Cabinet secretaries ng kanilang public service continuity plans upang matiyak na hindi mahinto ang pagbibigay serbisyo ng gobyerno sakaling tumama na ang pinangangambahang the Big One.
120