ABUSADONG KUMPANYA TINUTUTUKAN NG DOLE

workers123

(NI NOEL ABUEL)

MAGSILBING-babala na sa mga abusadong kumpanya ang ipinataw na multa ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa paglabag sa  Safety and Health Standards (OSHS) law.

Ayon kay Senador Joel Villanueva, chair ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development, dapat nang matigil ang pagbalewala ng ilang kumpanya sa kaligtasan ng mga manggagawa nito.

Nabatid na umaabot sa P950,000 multa ang naipataw ng Department of Labor and Employment (DOLE) laban sa mga abusadong kumpanya dahil sa hindi pagsunod sa itinatadhana ng OSHS.

Sa datos ng Bureau of Working Conditions, nasa 22,774 establisimiyento sa buong bansa ang ininspeksyon mula Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon kung saan marami sa mga ito ang napatunayang nagpapabaya sa kalagayan ng kanilang manggagawa.

“The penalties should serve as a warning to companies that take the health and safety of their employees for granted. A workplace must always be a safe environment for its workers regardless of the industry,” sabi pa ni Villanueva.

“Mahalaga po ang trabaho na ginagampanan ng ating safety officers upang siguruhin na ligtas ang ating mga opisina at lugar-paggawa. Accidents in the workplace can be prevented, if not minimized, as long as risks are identified, and proper safeguard mechanisms are placed to mitigate such risks,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng OSHS law, o ang Republic Act No. 11058 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2018, sakop nito ang lahat ng manggagawa sa bansa na mabigyan ng sapat na kagamitan para makaiwas sa trahedya habang nagtatrabaho.

403

Related posts

Leave a Comment