ANGAT DAM KRITIKAL NA; TUBIG SA IRIGASYON BABAWASAN

angatdam12

(Ni FRANCIS SORIANO)

DAHIL umabot na sa  kritikal na antas ang Angat dam na nasa 179.97 meters (m) above sea level ay nakatakdang magbawas ng alokasyon ng tubig para sa irigasyon simula Mayo 1.

Ayon sa National Water Resources Board (NWRB), mas mababa na umano sa minimum operating level nito na 180 meters, kaya pinayuhan ang publiko na magtipid ng tubig.

Dagdag pa ng NWRB, sa nakalipas na 50 taon, dito umaasa ng tubig ang Metro Manila na pinangangasiwaan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Nasa 96 percent ng tubig na ginagamit ng Metro Manila ay mula sa Angat dam, tatlong porsiyento lamang ay nagmumula sa Laguna Lake, at tanging isang porsiyento naman sa mga deep-well.

 

86

Related posts

Leave a Comment