BAGONG RANK CLASSIFICATION NG PNP BINAWI

PNP by JhayJalbuna

(NI NICK ECHEVARRIA)

IPINABABAWI  ng Philippine National Police (PNP) ang ipinatupad na  bagong rank classification sa kanilang hanay  na katulad  ng mga ranggo sa militar.

Alinsunod sa Republic Act (RA) 11200, ipinatupad sa bisa ng Memorandum Order na nilagdaan ni  PNP Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) Chief Police Major General Lyndon Cubos noong Pebrero 27 ang mga bagong ranggo sa lahat ng komunikasyon ng pambansang pulisya noong nakalipas na lingo.

Subalit, nitong March 7, muling nagpalabas ng panibagong  memorandum si Police Deputy Director General Camilo Pancratius Cascolan kung saan binabawi  ang naunang memorandum at lahat ng mga memorandum na may kinalaman sa pagpapatupad ng  bagong rank classification.

Sa bagong memorandum  hindi muna ipapatupad ang paggamit sa  bagong rank classification hanggang wala pang Implementing Rules and Regulations (IRR).

Matatandaan na una nang kinuwestyon ni  PNP Chief Police General Oscar Albayalde kung paano ang  gagawing legal na abbreviation sa mga bagong ranggo para maipakita ang pagkakaiba nito sa militar.

95

Related posts

Leave a Comment